Sinabi nitong Biyernes, Mayo 12, 2017, ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na kumpirmadong lalahok sa gaganaping Belt and Road Forum for International Cooperation (BRF) ang mga kinatawan mula sa Unyong Europeo (EU), Pransya, Alemanya, Britaniya, Hapon, Timog Korea, at Amerika.
Ayon sa naunang pagsalaysay ni Geng, dalawampu't siyam (29) na pandaigdigang lider, lider ng pamahalaan, at tatlong (3) namamahalang tauhan ng organisasyong pandaigdig, ang kumpirmadong lalahok sa BRF.
Salin: Li Feng