Miyerkules, Mayo 10, 2017, ipinahayag ni Qian Keming, Pangalawang Ministro ng Komersyo ng Tsina, na sa panahon ng gaganaping Belt and Road Forum for International Cooperation (BRF), pasusulungin ng Tsina, kasama ng mga bansa at rehiyon sa kahabaan ng Silk Road Economic Belt at 21st Century Maritime Silk Road ang konstruksyon ng Free Trade Area (FTA).
Ani Qian, sa panahon ng nasabing porum, pormal na lalagdaan ng Tsina, kasama ng Georgia ang free trade agreement, at sisimulan, kasama ng Mongolia ang joint feasibility study hinggil sa free trade agreement. Pasusulungin din nito, kasama ng 20 bansa sa kahabaan ng Belt and Road ang konstruksyon ng FTA, na kinabibilangan ng pagsasagawa ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP), talastasan sa FTA sa pagitan ng Tsina at Gulf Cooperation Council (GCC), Tsina at Maldives, Tsina at Sri Lanka, at Tsina at Israel, at pagsasagawa ng joint feasibility study sa free trade agreement, kasama ng mga bansang gaya ng Nepal, Bangledesh, at Moldova. Isasagawa rin ng Tsina ang FTA upgrade Negotiations sa Pakistan at Singapore.
Salin: Vera