Binuksan ngayong umaga sa Beijing ang Belt and Road Forum for International Cooperation (BRF) na nilalahukan ng mga lider ng daigdig na kinabibilangan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas.
Naglabas ng keynote speech si Pangulong Xi Jinping ng Tsina.
Sinabi ni Xi na "kung maisasaoperasyon ang mga lansangan, magiging masigla ang lahat ng industriya." Pinabibilis ng Tsina, kasama ng mga may-kinalamang bansa, ang mga proyektong gaya ng Jakarta-Bandung High-speed Railway, at daam-bakal sa pagitan ng Tsina at Laos: nagpaplano at nagsasagawa rin aniya ang Tsina ng isang malaking batch ng proyektong may kaugnayan sa konektibidad sa ibang mga bansa sa kahabaan ng Belt and Road. Sa kasalukuyan, sa pamumuno ng mga economic corridor na gaya ng Tsina at Pakistan, Tsina, Mongolia at Rusya; at sa pamamagitan ng tsanel sa lupa, dagat, himpapawid, at konektibidad sa impormasyon, sa base ng mga malalaking proyektong tulad ng daam-bakal, at puwerto, binubuo ngayon isang malawakang network ng imprastruktura.
Salin: Li Feng