|
||||||||
|
||
Nagtatalumpati sa BRF si Pangulong Xi Jinping ng Tsina.
Binuksan ngayong umaga sa Beijing ang Belt and Road Forum for International Cooperation (BRF) na nilalahukan ng mga lider ng daigdig na kinabibilangan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas.
Sa kanyang keynote speech, nanawagan si Pangulong Xi Jinping ng Tsina na itatag ang Belt and Road bilang landas ng kapayapaan, landas ng kasaganaan, landas ng pagbubukas, landas ng inobasyon,at landas ng sibilisasyon.
Nakahanda aniya ang Tsina na makikipagkaibigan sa lahat ng mga bansang kalahok sa pagtatatag ng Belt and Road para mabuo ang malaking pamilyang may harmonya at mapayapang pakikipamuhayan. Ipinagdiinan niyang hinding hindi ipipilit ng Tsina ang sistemang panlipunan o modelong pangkaunlaran nito sa ibang bansa.
Sinabi ni Pangulong Xi na libu-libong taon na ang nakalipas sapul nang itatag ang libu-libong milyang sinaunang Silk Road. Kinatatampukan aniya ng diwa ng Silk Road ang pagtutulungan para sa kapayapaan, pagiging bukas at inklusibo, pagtuturo sa isa't isa at magkakabahaging benepisyo. Ito aniya ay mahalagang pamana sa sangkatauhan.
Ipinagdiinan ni Pangulong Xi na sa kasalukuyan, ang peace deficit, development deficit, at governance deficit ay mga kritikal na hamong kinakaharap ng sangkatauhan.
Nagtatalumpati sa BRF si Pangulong Xi Jinping ng Tsina.
Inilahad niyang nitong apat na taong nakalipas sapul nang iharap ang Belt and Road Initiative, mahigit 100 bansa at organisasyong pandaigdig ang sumuporta at aktibong lumalahok sa magkakasamang pagpapatupad ng nasabing inisyatiba. Aniya, lumampas sa 50 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng pamumuhunan ng Tsina sa ibang mga bansa sa kahabaan ng Belt and Road. Dagdag pa ni Xi, limapu't anim (56) na Sonang Pangkalakalan at Pangkabuhayan ang naitatag sa mahigit 20 bansa, sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga bahay-kalakal na Tsino at dayuhan. Kabilang dito, ang Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB) ay nagkaloob ng $1.7 bilyong dolyar na pautang para sa 9 na proyekto ng ilang bansa sa kahabaan ng Belt and Road, at umabot na sa 4 bilyong dolyares ang Silk Road Fund.
Tinukoy ni Pangulong Xi na palalakasin ng Tsina ang pagkatig sa pondo ng konstruksyon ng "Belt and Road," at daragdagan ng 100 bilyong Yuan, RMB ang Silk Road Fund. Magkahiwalay din aniyang magkakaloob ang China Development Bank at Export-import Bank of China ng espesyal na pondong nagkakahalaga ng 250 bilyong Yuan at 130 bilyong Yuan para katigan ang konstruksyon ng imprastruktura, kooperasyon sa kakayahan ng produksyon at pinansya sa "Belt and Road." Aktibo ring pauunlarin ng Tsina ang economy at trade partnership na may mutuwal na kapakinabangan sa mga kalahok na bansa sa "Belt and Road," anang pangulong Tsino.
Tinukoy rin ni Xi na nakahanda ang Tsina na palakasin ang pakikipagkooperasyon sa iba't-ibang bansa sa larangan ng inobasyon, at pasisimulan ang plano ng aksyon tungkol sa inobasyong pansiyensiya't panteknolohiya. Sa loob ng darating na tatlong (3) taon, ipagkakaloob ng Tsina ang 60 bilyong Yuan bilang tulong sa mga kalahok na umuunlad na bansa at organisasyong pandaigdig sa "Belt and Road," dagdag niya.
Litrato ng mga kalahok sa BRF.
Ang Forum na may temang Pagpapahigpit ng Pandaigdig na Pagtutulungan at Magkakasamang Pagtatatag ng Belt and Road para Maisakatuparan ang Komong Kasaganaan, ay nakaakit ng 29 na puno ng estado at puno ng gobyerno, kasama ng mga kinatawan mula sa mahigit 70 organisasyong pandaigdig na gaya ng United Nations, World Bank, International Monetary Fund, pati ang mga personahe sa iba't ibang larangan mula sa mahigit 100 bansa.
Tatalakayin nila ang hinggil sa pagpapasulong ng konektibidad na pampatakaran, panlasangan, pangkalakalan, pansalapi at pantao na nagtatampok sa pagtutulungan at win-win result.
Noong 2013, iniharap ni Pangulong Xi ang Belt and Road Initiative para sa komong kaunlaran.
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |