Binuksan ngayong umaga sa Beijing ang Belt and Road Forum for International Cooperation (BRF) na nilalahukan ng mga lider ng daigdig na kinabibilangan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas.
Naglabas ng keynote speech si Pangulong Xi Jinping ng Tsina.
Tinukoy ni Xi na nakahanda ang Tsina na palakasin ang pakikipagkooperasyon sa iba't-ibang bansa sa larangan ng inobasyon, at pasisimulan ang plano ng aksyon tungkol sa inobasyong pansiyensiya't panteknolohiya. Sa loob ng darating na tatlong (3) taon, ipagkakaloob ng Tsina ang 60 bilyong Yuan bilang tulong sa mga kalahok na umuunlad na bansa at organisasyong pandaigdig sa "Belt and Road." Ipagkakaloob din aniya ang pangkagipitang tulong na pagkain na nagkakahalaga ng 2 bilyong Yuan sa mga umuunlad na bansa sa kahabaan ng "Belt and Road." Bukod dito, isasagawa rin ng Tsina ang mga proyektong pantulong sa mga bansa sa kahabaan ng Belt and Road na tulad ng pagsasagawa ng isang daang "Maligayang Pamilya," isang daang "Pagbibigay-tulong sa mga Mahihirap," at isang daang "Pagbibigay-tulong sa mga Maysakit." Ipagkakaloob ani Xi ang 1 bilyong dolyares sa mga kaulang organisasyong pandaigdig upang maisakatuparan ang isang serye ng proyektong pangkooperasyon kung saan makikinabang ang mga bansa sa kahabaan ng "Belt and Road." Itatatag din ng Tsina ang mekanismo ng koneksyon makaraang ganapin ang Belt and Road Forum for International Cooperation (BRF). Bubuuin ang sentro ng pananaliksik sa pag-unlad ng pinansya at ekonomiya ng "Belt and Road," sentro ng pagpapasulong sa konstruksyon ng "Belt and Road:" itatayo kasama ng multilateral development bank, ang sentrong pangkooperasyon sa paggagalugad at pangingilak ng pondo, at iba pa. Magkakasamang tatalakayin ng lahat ng kalahok ang konstruksyon ng "Belt and Road," at magkakasamang makakamtan ng lahat ang matatamong bunga ng Belt and Road.
Salin: Li Feng