Great Hall of the People, Beijing—Nakipagtagpo dito Sabado, Mayo 13, 2017 si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Najib Tun Razak, dumadalaw na Punong Ministro ng Malaysia.
Tinukoy ni Xi na sa kasalukuyan, nasa pinakamagandang panahon ang relasyong Sino-Malay. Nakahanda aniya ang panig Tsino na mabuting itakda, kasama ng panig Malay ang blueprint ng pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa, para mapasulong ang pagtatamo ng komprehensibo't estratehikong partnership na may mas masaganang bunga.
Dagdag ni Xi, nakahanda rin ang panig Tsino na palakasin ang kooperasyon sa panig Malay sa mga larangang gaya ng edukasyon, kultura, pagpapalitang pantao, at turismo. Patuloy aniyang palalalimin ang kooperasyon sa pagpapatupad ng batas, katiwasayan, paglaban sa terorismo at iba pa. Ipinahayag din niya ang kahandaang pasulungin ang pagtatamo ng dalawang bansa ng mas maraming aktuwal na bunga sa konstruksyon ng Belt at Road.
Sinabi naman ni Najib na ang Belt and Road Initiative ay magdudulot ng napakalaking pagbabago sa rehiyong ito, maging ng buong mundo. Nakahanda aniya ang panig Malay na aktibong sumali sa mga may kinalamang kooperasyon.
Salin: Vera