|
||||||||
|
||
Naglabas ng keynote speech si Pangulong Xi Jinping ng Tsina.
Ang Forum na may temang Pagpapahigpit ng Pandaigdig na Pagtutulungan at Magkakasamang Pagtatatag ng Belt and Road para Maisakatuparan ang Komong Kasaganaan, ay nakaakit ng 29 na puno ng estado at puno ng gobyeno, kasama ng mga kinatawan mula sa mahigit 70 organisasyong pandaigdig na gaya ng United Nations, World Bank, International Monetary Fund, pati ang mga personahe sa iba't ibang larangan mula sa mahigit 100 bansa.
Tatalakayin nila ang hinggil sa pagpapasulong ng konektibidad na pampatakaran, panlasangan, pangkalakalan, pansalapi at pantao na nagtatampok sa pagtutulungan at win-win result.
Noong 2013, iniharap ni Pangulong Xi ang Belt and Road Initiative para sa komong kaunlaran.
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |