Sa kanyang pakikipagkita Lunes, Mayo 15, 2017, sa mga mamamahayag Tsino at dayuhan, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na sapul nang buksan ang Belt and Road Forum for International Cooperation (BRF), gumawa ng maraming pagbabalita ang mga mamamahayag. Sila aniya ay nakapaglaganap ng tinig ng iba't-ibang bansa sa magkakasamang pagtatayo ng "Belt and Road," at nagpakita ng masiglang pag-unlad ng konstruksyon nito. Sa ngalan ng pamahalaang Tsino at mga kalahok na kinatawan mula sa iba't-ibang bansa, ipinahayag niya ang pasasalamat sa mga mamamahayag.
Ani Xi, nitong araw ng Linggo, magkakasamang tinalakay ng mga pandaigdigang lider, namamahalang tauhan ng organisasyong pandaigdig, at mga kinatawan mula sa mahigit 100 bansa, ang tungkol sa kooperasyong pandaigdig sa konstruksyon ng "Belt and Road." Iniharap nila ang maraming mabuting palagay at mungkahi, at natamo ang positibong bunga, aniya.
Salin: Li Feng