Great Hall of the People, Beijing — Inihandog nitong Linggo, Mayo 14, 2017, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang bangketeng panalubong bilang mainit na pagtanggap sa mga puno ng delegasyon at panauhing kalahok sa Belt and Road Forum for International Forum (BRF). Dumalo rito si Pangalawang Premyer Zhang Gaoli ng Tsina.
Sa kanyang talumpati, ipinahayag ni Pangulong Xi ang pagtanggap sa pagdating ng mga paunahin.
Ipinagdiinan niya na kasalukuyang tumatahak ang lahat sa isang landas ng lipos na pag-asa. Aniya, sa magkakasamang pagpupunyagi ng mga kaukulang bansa para sa isang parehong direksyon, matatamo ang mayamang bunga. Katulad ng sinaunang Silk Road, ang usapin ng Belt and Road ay makakapagbigay din ng benepisyo para sa mga susunod na hene-henerasyon.
Dumalo sa nasabing welcome banquet ang mahigit 700 pandaigdigang lider na kinabibilangan nina Pangulong Rodrigo Duterte, Pangulong Vladimir Putin ng Rusya, Pangulong Joko Widodo ng Indonesia, Pangulong Bounyang Vorachit ng Laos, Pangulong Tran Dai Quang ng Biyetnam, Punong Ministro Hun Sen ng Cambodia, Punong Ministro Najib Tun Razak ng Malaysia, at iba pa.
Salin: Li Feng