Binuksan ngayong araw, Mayo 19, 2017 ang Ika-23 ASEAN China Senior Officials' Meeting sa Guiyang, lalawigang Guizhou ng Tsina. Magkasamang mangunngulo sa pulong sina Liu Zhenmin, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina, at Chee Wee Kiong, Pirmihang Kalihim ng Ministring Panlabas ng Singapore, sa pulong na ginaganap sa New World Hotel.
Sa kanyang pambungad na pananalita sinabi ni Liu na napili ang Guiyang bilang lugar ng pulong dahil sa papel ng lunsod sa ilang mga kaganapan sa ASEAN. Una ang taong kasalukuyan ay Ika-10 Anibersaryo ng China-ASEAN Education Exchange Week at kaugnay nito isasagawa ng kanyang pamahalaan ang mga aktibidad. Ikalawa ang taong ito ay ika-50 Anibersaryo ng pagkakatatag ng ASEAN at makikiisa ang kanyang delegasyon sa pagdiriwang nito. Ikatlo sa Guiyang din ginanap ang tourism cooperation. Ikaapat, dahil papalapit na ang Ika-15 Anibersaryo ng China-ASEAN Strategic Partnership sa 2018, kailangang ihayag ang mga gagawin upang mas mapalalim at mapataas ang antas ng partnership ng dalawang panig. At umaasa siyang magiging mapagkaibigan at matapat ang talakayan sa kanyang kasamahan sa ASEAN para isulong ang mga kooperasyon.
Ipinahayag naman ni Minister Chee ang pakikiramay, sa ngalan ng mga kasapi ng ASEAN, sa pagyao ng dating Vice Premier Qian Qichen at sinariwa ang mga mahahalagang ambag niya sa pagbuo ng patakarang diplomatiko ng ASEAN at relasyong ASEAN-China.
Ibinahagi rin niya ang mga bungang nakamit sa ugnayan ng dalawang panig nitong nakalipas na taon. Umaasa siyang patuloy na magiging batayan ng ugnayan ang mutuwal na kapakinabangan at paggalang sa pagkakaisa at centrality ng ASEAN.
Ulat: Mac Ramos at Liu Kai
Editor: Jade