Guiyang, Tsina—Ipinahayag ni Liu Zhenmin, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina ang mainit na pagtanggap sa mungkahi ng pamahalaang Pilipino na makipagtulungan sa Tsina para sa magkasamang paggagalugad ng yamang langis at natural gas sa South China Sea.
Ipinagdiin ni Liu na malinaw at palagian ang paninindigan at pag-asa ng Tsina sa magkasamang paggalugad sa nasabing karagatan at magtulungan sa larangang pang-enerhiya ang Pilipinas at Tsina bago pinal na malutas ang pagkakaibang pandagat ng dalawang bansa. Makakabuti ito sa interes ng mga mamamayan ng dalawang bansa, aniya pa.
Ito ang winika ni Liu sa preskon Huwebes, Mayo 18, 2017 makaraang idaos ang Ika-14 na Senior Officials' Meeting on the Implementation of the Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC). Sa nasabing pulong, pinagtibay ng Tsina at mga bansang ASEAN ang Draft Framework ng Code of Conduct in the South China Sea (COC). Ito ang tinawag ni Liu bilang milestone achievement sa paglalagda ng COC.
Nakatakdang idaos ngayong hapon, May 19, ang Unang Pulong ng China-Philippines Bilateral Consultation Mechanism hinggil sa isyu ng South China Sea.
Salin/Edit: Jade
Pulido: Rhio