Shanghai, Tsina—Binuksan dito Lunes ng umaga, Hulyo 11, 2016, ang kauna-unahang Association of Southeast Asian Nations (o ASEAN) Regional Forum Workshop on Urban Emergency Rescue, na magkasamang itinaguyod ng Tsina at Malaysia.
Sa kanyang talumpati, ipinahayag ni Luo Yongqiang, Pangalawang Direktor ng Kawanihan ng Pag-aapula ng Apoy ng Ministri ng Seguridad na Pampubliko ng Tsina, na sa kalagayan ng pagkakaroon ng pagbabago ng klima sa buong mundo, at pagdami ng rehiyonal na panganib sa kapahamakan, kailangang-kailangan at napakahalaga ang kooperasyon sa larangan ng relief works, sa ilalim ng balangkas ng ASEAN Regional Forum (ARF). Nakahanda aniya ang Tsina, kasama ng iba't ibang panig, na gawing pagkakataon ang nasabing workshop, katigan ang isa't isa, at gumawa ng positibong ambag para sa mabisang pagbabawas ng kapinsalaang dulot ng iba't ibang uri ng kalamidad, at pagpapasulong ng kasaganaan at maligayang pamumuhay ng mga mamamayan ng iba't ibang bansa.
Ang kasalukuyang workshop na idinaraos mula ika-11 hanggang ika-14 ng Hulyo ay naglalayong ibayo pang palakasin ang pagpapalitang teknikal at kooperasyon ng iba't ibang panig ng ARF, sa aspekto ng pagharap sa mga kalamidad at aksidente sa lunsod, at pataasin ang lebel ng relief ability.
Salin: Vera