Ayon sa Xinhua News Agency, binuksan sa Guangzhou, Tsina, ngayong araw, Marso 10, 2016, ang dalawang araw na Simposyum ng ASEAN Regional Forum (ARF) hinggil sa pagbibigay-dagok sa mga aksyong transnasyonal ng mga kriminal. Dumalo rito ang mahigit 80 kinatawan mula sa 18 kasapi ng ARF, Sekretaryat ng ASEAN, at United Nations Office on Drugs and Crime (UNODC) para magpalitan ng kuru-kuro hinggil sa kinakaharap na situwasyon ng mga aksyong transnasyonal ng mga kriminal sa rehiyong Asya-Pasipiko, partikular na sa mga transnasyonal na aksyong teroristiko, human trafficking, krimen ng droga, at iba pa. Nagkaroon din sila ng malalimang talakayan tungkol sa ibayo pang pagpapalakas ng rehiyonal na kooperasyong panseguridad sa pagpapatupad ng batas.
Noong taong 2004, opisyal na nilagdaan ng Ministri ng Pampublikong Seguridad ng Tsina at Sekretaryat ng ASEAN ang "Memorandum of Understanding sa Kooperasyon sa mga Di-tradisyonal na Larangang Panseguridad." Nitong ilang taong nakalipas, walang humpay na pinabubuti ng Tsina at mga kapitbansa nitong kinabibilangan ng mga bansang ASEAN, ang pagtatagpo hinggil sa pagpapatupad ng batas, hotlines, at mekanismo ng papapalitan ng mga impormasyon.
Naitatag ang ARF noong taong 1994, at ito ay pangunahing opisyal na multilateral na diyalogong panseguridad at tsanel na pangkooperasyon sa rehiyong Asya-Pasipiko.
Salin: Li Feng