Sa tourism promotion campaign ng Indonesia na idinaos Huwebes, Mayo 18, 2017, sa Fuzhou, Lalawigang Fujian ng Tsina, ipinahayag ni Chen Lin, Kinatawan ng Ministri ng Pambansang Turismo ng Indonesia sa Tsina, na nagpupunyagi ang kanyang bansa na itayo ang sampung tourist spot bilang "bagong Bali Island." Kabilang dito ang Mount Bromo, Toba Lake, Borobudur Temple Compounds at iba pa. Layon nitong umakit ng mas maraming turistang Tsino.
Nais ng nasabing ministri na makaakit ng 2 milyong person-time na turistang Tsino sa 2017.
Salin: Vera