Ayon sa estadistika na isinapubliko Pebrero 9, 2017 ng Samahan ng Industriya ng Sasakyan ng Indonesya, umabot sa mahigit 1 milyon ang bilang ng new motor vehicle sales, noong 2016, na lumaki ng 5% kumpara sa 2015. Samantala, nasa 86,600 ang nasabing bilang, noong Disyembre, 2016, na mas mababa ng 13.6% kumpara sa gayon ding panahon ng 2015.
Ipinahayag din ng naturang samahan na dahil sa pagtaas ng international bulk commodity price, tinatayang aabot sa 1.1 milyon ang benta ng mga bagong sasakyan, sa taong 2017.