Dumalo kahapon, Huwebes, ika-25 ng Mayo 2017, sa Kuala Lumpur, si Punong Ministro Najib Tun Razak ng Malaysia, sa seremonya ng pagsasaoperasyon ng Pantai Sewage Treatment Plant. Ito ang pinakamalaking underground sewage treatment plant sa Asya.
Sa seremonya, sinabi ni Najib, na ang plantang ito ay idinisenyo at itinayo ng Beijing Enterprises Water Group Limited. Aniya, sa pamamagitan ng teknolohiya ng Tsina, naisakatuparan ng Malaysia ang naturang proyektong makakabuti sa kapaligiran.
Ang Pantai Sewage Treatment Plant ay matatagpuan sa Lembah Pantai District ng Kuala Lumpur. Mayroon itong kapasidad na humawak ng maruming tubig mula sa mahigit 1.4 milyong residente ng Lembah Pantai at nakapaligid na Klang Valley.
Salin: Liu Kai