Huwebe, Mayo 18, 2017, sa darating na Setyembre ng taong ito, binabalak ng sangay sa Malaysia ng Xiamen University ng Tsina na tumanggap ng mahigit 1000 estudyante.
Hanggang noong katapusan ng nagdaang Abril, halos 2,000 estudyante na ang nag-aaral sa sangay ng Xiamen University sa Malaysia. Kabilang dito, halos 1,500 ang galing sa Malaysia, mahigit 400 ang mag-aaral na Tsino, at ang mga iba pa ay galing sa Indonesia, Thailand, Singapore, Hapon, Timog Korea, at ibang bansa.
Lampas naman sa 10 ang mga kurso sa nasabing sangay, na kinabibilangan ng enerhiya, administrasyong pangkabuhayan, impormasyon, wikang Tsino, Traditional Chinese Medicine at iba pa. Bukod sa wikang Tsino at TCM, ang lahat ng mga kurso ay itinuturo sa wikang Ingles.
Salin: Vera