|
||||||||
|
||
Ika-2 Pulong ng 21st Century Panglong Peace Conference
Nay Pyi Taw, Myanmar — Ipininid nitong Lunes, Mayo 29, ang Ika-2 Pulong ng 21st Century Panglong Peace Conference. Tinalakay at pinagtibay sa pulong ang 37 artikulo kung saan magkakasamang nilagdaan sa seremonya ng pagpipinid ng mga kinatawan mula sa pamahalaan, hukbong pandepensa, partido, at mga armadong grupo ng pambansang minoriya.
Nagtatalumpati sa pulong si Aung San Suu Kyi, State Counsellor ng Myanmar
Sa seremonya ng pagpipinid, ipinahayag ni Aung San Suu Kyi, State Counsellor ng Myanmar, na ang pagkakalagda sa nasabing kasunduan ay isang napakahalagang hakbang sa landas ng pagsasakatuparan ng pambansang rekonsilyasyon at kapayapaan. Ito rin aniya ay isang mahalagang praktis na naghahanap ng komong palagay sa pamamagitan ng mapayapang talastasan. Hinimok din niya ang iba't-ibang kaukulang panig na igiit ang mapayapang landas.
Nasa pulong si Aung San Suu Kyi, State Counsellor ng Myanmar
Ayon sa Sekretaryat, tinalakay sa nasabing pulong ng mga kalahok ang hinggil sa 41 artikulo sa aspekto ng pulitika, kabuhayan, lipunan at pamamahala sa lupa at yamang pangkalikasan. Narating nila ang komong palagay hinggil sa 37 sa mga ito kinabibilangan ng 12 artikulong pulitikal, 11 artikulong ekonomiko, 4 na artikulong panlipunan at 10 artikulong may kinalaman sa pamamahala sa lupa at yamang pangkalikasan.
Salin: Li Feng
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |