Naisaoperasyon ngayong araw, Miyerkules, ika-31 ng Mayo 2017, ang Mombasa-Nairobi Standard Gauge Railway, na itinayo ng kompanyang Tsino.
Idinaos nang araw ring iyon ang seremonya ng pagsasaoperasyon sa Mombasa, Kenya. Dumalo dito sina Wang Yong, Kasangguni ng Estado ng Tsina at Espesyal na Sugo ni Pangulong Xi Jinping, at Uhuru Kenyatta, Pangulo ng Kenya. Sinaksihan din nila ang takbo ng unang cargo train sa daambakal na ito.
Ang Mombasa-Nairobi Railway ay unang bahagi ng railway network sa Silangang Aprika. Ang pagsasaoperasyon nito ay mahalagang hakbang ng konstruksyon ng naturang railway network, at integrasyon ng rehiyong ito.
Salin: Liu Kai