Sa okasyon ng pagdaraos ng Summit ng Forum on China-Africa Cooperation sa Johannesburg, South Africa, ipinalabas kahapon ng pamahalaang Tsino ang ika-2 dokumento hinggil sa mga patakaran ng Tsina sa Aprika.
Anang dokumento, mahalaga ang pagtatatag at pagpapaunlad ng komprehensibo, estratehiko, at kooperatibong partnership ng Tsina at Aprika. Dagdag nito, ang pagpapalakas ng pakikipagtulungan sa mga bansang Aprikano ay mahalagang bahagi ng diplomasya ng Tsina na igigiit nito sa mahabang panahon.
Isinalaysay din ng dokumento ang mga patakaran at hakbangin ng Tsina hinggil sa pagpapasulong ng kooperasyong Sino-Aprikano sa 7 aspektong gaya ng pagtitiwalaang pulitikal, kooperasyon sa mga suliraning pandaigdig, kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan, kooperasyong pangkaunlaran, people-to-people exchange, kapayapaan at katiwasayan ng Aprika, at kooperasyon sa consular service, imigrasyon, katarungan, at police affair.
Salin: Liu Kai