Sa panahon ng kanyang pagdalaw kahapon, Linggo, ika-31 ng Enero 2016 sa Malawi, inilahad ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina ang hinggil sa relasyon sa pagitan ng kabuhayang Tsino at kabuhayan ng mga bansang Aprikano.
Sinabi ni Wang na bagama't bumabagal ang paglaki ng GDP ng Tsina, malaki pa rin ang ambag ng kabuhayang Tsino sa kabuhayang pandaigdig. Aniya, nakikinabang at patuloy pang makikinabang ang Aprika sa kabuhayang Tsino.
Kaugnay ng bumabagal na paglaki ng kabuhayan ng mga bansang Aprikano, ipinalalagay ni Wang na ito ay dahil sa epekto ng pandaigdig na krisis na pinansyal, lalung-lalo na ng pagbaba ng presyo ng mga produktong pang-enerhiya. Sinabi niyang kasalukuyang patakaran ng Tsina ang pagbibigay-tulong sa Aprika para sa pagpapabilis ng industriyalisasyon, at pagpapalakas ng kakayahan sa sarilinang pagpapaunlad. Ito aniya ay para bawasan ang pag-asa ng mga bansang Aprikano sa pagluluwas ng mga produktong pang-enerhiya.
Salin: Liu Kai