Nagprotesta Miyerkules, Agosto 24, sa Gimcheon City ng Gyeongsangbuk-do o North Gyeongsang Province ng Timog Korea ang halos 8,000 mamamayan para tutulan ang pagdedeploy ng Terminal High Altitude Area Defense (THAAD) system sa bansang ito.
Nauna rito, ipinahayag ng Ministri ng Tanggulan ng Timog Korea na muling isasaalang-alang ang lugar ng pagdedeploy ng THAAD. Ang isang golf course sa paligid ng Gimcheon City ay isa sa mga pagpipiliang lugar. Ito'y nagdulot ng malawakang pagprotesta sa THAAD mula Seongju-gun o Seongju County hanggang Gimcheon City.