Sa paanyaya ni Chancellor Angela Merkel ng Alemanya, dumating ng Berlin si Premyer Li Keqiang ng Tsina, kahapon ng hapon, Mayo 31, 2017 para sa opisyal na pagdalaw sa Alemanya, at sa taunang regular na pag-uusap ng mga punong ministro ng dalawang bansa.
Ipinahayag ng Premyer Tsino na nitong 45 taong nakalipas sapul ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Alemanya, matatag na umuunlad ang bilateral na pagtutulungan ng dalawang bansa. Aniya, sa ilalim ng kakulangang-sigla ng pandaigdigang kabuhayan, de-globalization, at protectionism, ang pinalakas na pagtutulungan at pagpapalitan ng Tsina at Alemanya ay may mas mahalagang katuturan. Umaasa aniya siyang mapapasulong ng biyaheng ito ang pagtutulungan ng dalawang panig sa mas mataas na antas, batay sa pagkakaibigan, paggagalangan, pagkakapantay-pantay, at inobasyong pangkooperasyon. Ito aniya'y hindi lamang magdudulot ng ginhawa sa mga mamamayan ng dalawang bansa, kundi makakatulong din sa katatagan at kaunlaran ng rehiyon at daigdig.