|
||||||||
|
||
Sa kanyang pakikipagtagpo dito sa Beijing nitong Biyernes, Mayo 12, 2017, kay Tran Dai Quang, dumadalaw na Pangulo ng Biyetnam, ipinahayag ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, na nakahanda ang panig Tsino na mainam na hawakan kasama ng panig Biyetnames, ang pangkahalatang direksyon ng pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa, at pasulungin ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan sa iba't-ibang larangan upang mapasulong ang malusog at matatag na pag-unlad ng komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang bansa.
Dagdag pa ni Premyer Li, nakahanda ang Tsina na palakasin ang pakikipagkooperasyon sa Biyetnam sa mga balangkas na gaya ng China-ASEAN, at Lancang-Mekong.
Ipinahayag naman ni Tran Dai Quang na sa ilalim ng magkasamang pagsisikap ng dalawang panig, ngayo'y nananatiling mainam ang tunguhin ng pag-unlad ng relasyong Biyetnames-Sino, at walang humpay na natatamo ng kooperasyon sa iba't-ibang larangan ang progreso. Ito aniya ay hindi lamang umaangkop sa pundamental at pangmalayuang kapakanan ng mga mamamayan ng dalawang bansa, kundi nakakabuti pa sa kapayapaan at kaunlaran ng rehiyong ito.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |