Sa katatapos na pagdalaw ni Premyer Li Keqiang ng Tsina sa Australya at New Zealand, naging isang mainit na paksa ang "Belt and Road" Initiative.
Sa Australya, sinang-ayunan ng dalawang panig na pasulungin ang pag-uugnayan ng "Belt and Road" Initiative at Vision for Developing North Australia. Palalalimin din ang kooperasyon sa ilalim ng mga estratehiya hinggil sa inobasyon ng dalawang bansa.
Sa New Zealand naman, nilagdaan ng dalawang bansa ang Memorandum of Understanding hinggil sa kooperasyon sa ilalim ng "Belt and Road" Initiative. Sinimulan din ng iba't ibang sirkulo ng New Zealand ang mekanismo para sa pagpapasulong ng paglahok ng bansang ito sa "Belt and Road" Initiative.
Ipinalalagay naman ng mga personahe ng Australya at New Zealand, na ang "Belt and Road" Initiative ay makakabuti sa globalisasyong pangkabuhayan, at malayang kalakalan. Magbibigay rin anila ito ng bagong lakas sa pakikipagkooperasyon ng dalawang bansa sa Tsina.
Salin: Liu Kai