|
||||||||
|
||
Beijing — Sa kanyang pakikipagtagpo nitong Biyernes, Mayo 19, 2017, kay Pantaleon Alvarez, dumadalaw na Ispiker ng House of Representatives of the Philippines, ipinahayag ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, na ang pagpapaunlad ng Tsina at Pilipinas ng relasyong pangkaibigan ay hindi lamang umaangkop sa pundamental na kapakanan ng dalawang bansa at kanilang mga mamamayan, kundi nakakabuti pa sa kapayapaan, katatagan, at kaunlarang panrehiyon. Nakahanda aniya ang panig Tsino na palalimin kasama ng panig Pilipino, ang pagtitiwalaang pulitikal, palawakin ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan, palakasin ang pagpapalitan sa iba't-ibang lebel at larangan, walang humpay na palawakin ang komong kapakanan upang mapanatili ang malusog at matatag na pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.
Tinukoy pa ng Premyer Tsino na ang kasalukuyang taon ay ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Kinakatigan aniya ng panig Tsino ang mga gawain ng Pilipinas bilang bansang tagapangulo ng ASEAN.
Ipinahayag naman ni Alvarez na kinakatigan ng dalawang kapulungan ng Kongresong Pilipino ang ginagawang pagsisikap ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpapabuti at pagpapaunlad ng relasyon sa Tsina. Winiwelkam aniya ng kanyang bansa ang gagawing biyahe ni Premyer Li sa Pilipinas at pagdalo sa serye ng pulong ng mga lider ng kooperasyong Silangang Asyano.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |