Ipinahayag kamakailan ni Pangulong Moon Jae-in ng Timog Korea ang kanyang pagkasindak sa balitang lihim na paghahatid ng mga launcher ng THAAD sa kanyang bansa. Iniutos aniyang imbestigahan ang kaganapang ito.
Kaugnay nito, ipinahayag Mayo 31, 2017 ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na tinututulan ng Tsina ang pagtatalaga ng Amerika ng THAAD sa Timog Korea, at hindi nagbabago ang paninindigan ng Tsina hinggil dito. Aniya, ang pagtatalaga ng THAAD ay hindi lamang makakasira sa interes ng Tsina sa estratehikong seguridad at estratehikong balanse ng rehiyon, kundi makakasama rin sa pagsasakatuparan ng walang sandatang nuklear sa Peninsula ng Korea at katatagan ng rehiyon. Aniya, muling hinihimok ng Tsina ang Amerika at Timog Korea na itakwil ang pagtatalaga ng THAAD.