Sa isang pahayag na inilabas ng Tsina, Laos, Cambodia, Myanmar, Thailand, at Biyetnam, magkasamang ipinalalagay ng nasabing anim na bansa na dapat pahigpitin ang pangangalaga sa mga pamanang pangkultura sa rehiyon ng Lancang-Mekong River.
Anang pahayag, kasunod ng pag-unlad ng pagsasaindustriya, pagsasalunsod at globalisasyon, kinakaharap ng mga bansa ng rehiyong ito ang malaking hamon para sa pangangalaga sa pamanang pangkultura.
Ayon sa naturang pahayag, aktibong kakatigan ng mga departamento ng naturang anim na bansa ang mga gawain sa pangangalaga sa pamanang pangkultura, na gaya ng pag-aply sa World Intangible Cultural Heritage ng UNESCO, pananaliksik sa mga pamana, pagtatanghal, at pagpapalitan ng mga tauhan.
Idinaos Miyerkules, June 7, 2017 sa Kunming ng lalawigang Yunnan ng Tsina ang dalawang araw na simposiyum hinggil sa pangangalaga sa mga pamanang pangkultura ng mga bansa sa rehiyon ng Lancang-Mekong River. Dumalo sa pulong na ito ang mga opisyal at dalubhasa ng Tsina, Laos, Cambodia, Myanmar, Thailand, at Biyetnam, anim na bansa sa kahabahan ng nasabing ilog.