Ipinahayag kahapon, Biyernes, ika-31 ng Marso 2017, ni Lu Guangsheng, Pangalawang Direktor ng Sentro ng Pag-aaral hinggil sa Lancang-Mekong Cooperation ng Yunnan University ng Tsina, na nitong isang taong nakalipas, sapul nang itatag ng Tsina, Kambodya, Laos, Myanmar, Thailand, at Biyetnam ang mekanismo ng Lancang-Mekong Cooperation, natamo nito ang mga bunga sa dalawang pangunahing aspekto.
Ayon kay Lu, ang unang aspekto ay pagtatatag ng naturang 6 na bansa ng balangkas sa antas ng estado hinggil sa Lancang-Mekong Cooperation. Ito aniya ay pundasyon ng kooperasyong ito.
Ang ikalawa ang pagsasagawa ng mga bansa ng mga "early harvest" project, ibig sabihin, mga proyektong mabilis na nagdudulot ng bunga. Ani Lu, sa pamamagitan ng mga ito, nakita na ng mga may kinalamang bansa ang aktuwal na kapakinabangan ng Lancang-Mekong Cooperation.
Iminungkahi rin ni Lu, na sa susunod na yugto, kailangang palakasin ang mekanismo ng kooperasyong ito, para kunin ang mas malaking pananalig at pagkatig ng iba't ibang panig. Ito aniya ay makakabuti sa sustenableng pag-unlad ng Lancang-Mekong Cooperation.
Salin: Liu Kai