|
||||||||
|
||
Guangzhou, Tsina—Mula ika-10 hanggang ika-12 ng Mayo, 2017, idinaraos dito ang unang Coordination Meeting on Maritime Joint Search and Rescue Field Exercise ng Tsina at ASEAN. Tinalakay ng mga kinatawan at dalubhasa ng mga organo ng paghahanap at pagliligtas ng Tsina at mga bansang ASEAN na gaya ng Kambodya, Laos, Myanmar, Pilipinas, at Thailand ang mga detalye hinggil sa 2017 China-ASEAN Maritime Joint Search and Rescue Field Exercise.
Ang nabanggit na pagsasanay ay nakatakdang idaos sa unang dako ng Oktubre, 2017 sa Zhanjiang City ng Lalawigang Guangdong. Layon nitong pahigpitin ang pag-uunawaan at pagtitiwalaan ng mga organo ng paghahanap at pagliligtas ng Tsina at ASEAN, pataasin ang bilis ng pagtugon sa pangkagipitang situwasyon, pataasin ang kakayahan sa magkasamang paghahanap at pagliligtas sa dagat, at bawasan ang kapinsalaan sa buhay at ari-arian na posibleng dulot ng mga pangkagipitang pangyayari sa South China Sea.
Salin: Vera
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |