Idinaos noong isang buwan sa Beijing ang Belt and Road Forum for International Cooperation. Sa isang panayam sa panahon ng nasabing porum, ipinahayag ni Jose De Venecia, Tapangulo ng Pirmihang Lupon ng International Conference of Asian Political Parties (ICAPP) at dating Ispiker ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ng Pilipinas, na ang people-to-people bond ay pinakapundamental na konektibidad.
Aniya, ang people-to-people bond na iminungkahi ng Belt and Road Initiative ay susi para sa pagsasakatuparan ng magandang relasyon, pasilitasyon ng kalakalan, at cyberization at koordinasyon ng patakaran sa pagitan ng mga bansa. Sa katunayan, ang people-to-people bond aniya pa ay pinakapangunahing puwersa na nagpapasulong sa pag-unlad ng kalakalan, turismo, kabuhayan at lipunan, at kapayapaa't unipikasyon ng bansa. Makakatulong ito sa pagpaplano ng komong kinabukasan ng bansa at mga mamamayan, at muling pagpapasigla ng luningning ng sibilisasyon ng Asya, dagdag pa niya.
Salin: Vera