Sa kanyang pakikipagkita Lunes, Mayo 15, 2017, sa mga mamamahayag Tsino at dayuhan, sinabi pa ni Pangulong Xi na nakikita mula sa talakayan sa summit, ang pagpapalakas ng kooperasyong pandaigdig, pagpapasulong ng konstruksyon ng "Belt and Road," at magkakasamang pagharap sa mga hamong kinakaharap ngayon ng kabuhayang pandaigdig. Aniya, ang mga ito ay angkop sa komong kapakanan ng mga kalahok na bansa. Dapat maging lipos ang kompiyansa ng mga kalahok sa prospek ng konstruksyon ng "Belt and Road." Samantala, kinakailangan pa aniya ng konstruksyong ito ang magkakasamang pagtutulungan at pagsisikap ng mga bansa. Nananalig siyang sa ilalim ng magkakasamang pagsisikap ng mga bansa, tiyak na maitatatag ang "Belt and Road" bilang landas na pangkapayapaan, kasaganaan, pagbubukas, inobasyon at sibilisayon.
Salin: Li Feng