Idinaos kahapon, Sabado, ika-10 ng Hunyo 2017, sa Fuzhou, lunsod sa timog silangang Tsina, ang porum ng mga partidong pulitikal, think tank, at non-governmental organization ng BRICS countries na kinabibilangan ng Brazil, Rusya, India, China at South Africa. Ito ang kauna-unahang ganitong porum ng naturang mga bansa.
Sa ilalim ng temang "magkakasamang pagpaplano ng kooperasyong pangkaunlaran, at magkakasamang paglikha ng magandang kinabukasan," tinalakay ng mga kalahok ang hinggil sa kooperasyon ng BRICS countries.
Ipinalalagay ng mga kalahok, na nitong 10 taong nakalipas, isinagawa ng mga BRICS countries ang pragmatikong kooperasyon sa maraming larangan, at natamo ang malaking bunga. Anila, sa harap ng kasalukuyang kawalang-katatagan sa kabuhayan at pulitika ng daigdig, dapat patingkarin ng mga BRICS countries ang mahalagang papel para sa pagsasagawa ng reporma sa paraan ng pandaigdig na pangangasiwa.
Salin: Liu Kai