GOA, India, Oktubre 16, 2016 – Sa panahon ng Ika-8 BRICS Summit, idinaos din ang diyalogo ng mga lider ng BRICS (Brazil, Russia, India, China at South Africa) at BIMSTEC (Bay of Bengal Initiative for Multi-Sectoral Technical and Economic Cooperation).
Lumahok sa diyalogo sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina, Punong Ministrong Narendra Modi ng Indya, Pangulong Jacob Zuma ng Timog Aprika, Pangulong Michel Temer ng Brazil, Pangulong Vladimir Putin ng Rusya, Pangulong Maithripala Sirisena ng Sri Lanka, Punong Ministrong Sheikh Hasina ng Bangladesh, Punong Ministrong Tshering Tobgay ng Bhutan, Punong Ministrong Pushpa Kamal Dahal ng Nepal, State Counsellor Aung San Suu Kyi ng Myanmar, at mga kinatawan ng Thailand. Tinalakay nila ang hinggil sa pagpapasulong ng kooperasyon ng mga umuunlad na bansa.
Sinabi ni Xi na ang lahat ng mga bansang kasama sa BRICS at BIMSTEC ay umuunlad na bansa, at mayroon komong hangarin sa pangangalaga sa kapayapaan ng daigdig at seguridad ng rehiyon, pagpapaunlad ng kabuhayan, pagpapataas ng lebel ng pamumuhay ng mga mamamayan at iba pa.
Ani Xi, sa harap ng mga komong pagkakataon at hamon, dapat maghawak-kamay ang mga umuunlad na bansa, pasulungin ang komunikasyon at koordinasyon ng mga patakaran, dagdagan ang bentahe, at palakasin ang integrasyon ng kabuhayang panrehiyon. Nanawagan din si Xi para pahigpitin ang kooperasyon sa konstruksyon ng imprastruktura at konektibidad sa ilalim ng "Belt and Road" Initiative at mga BIMSTEC program, at palalimin ang pagpapalitan sa lokalidad, media, think tank, at kabatahan.
salin:le