GOA, India, Oktubre 16,2016 – Sa Ika-8 BRICS summit na idinaos sa Goa, India, nanawagan si Pangulong Xi Jinping ng Tsina na itatag ang bukas na ekonomiya at tutulan ang proteksyonismo sa anumang porma.
Bukod kay Xi, lumahok din sa nasabing BRICS summit sina Punong Ministrong Narendra Modi ng Indya, Pangulong Jacob Zuma ng Timog Aprika, Pangulong Michel Temer ng Brazil, at Pangulong Vladimir Putin ng Rusya.
Sa kanyang talumpati, nanawagan si Xi sa mga bansang BRICS (Brazil, Russia, India, China at South Africa), na isakatuparan ang mga bunga ng katatapos na Ika-11 G20 Summit na idinaos sa Hangzhou, Tsina, magkakasamang magsikap para mapasulong ang malakas, sustenable, balanse at inklusibong pagpaki ng pandaigdig na kabuhayan.
Iniharap din ni Xi ang limang mungkahi para sa komong pagsisikap na kinabibilangan ng: pagtatatag ng bukas na daigdig; paglalarawan ng komong bisyon ng pag-unlad; magkasamang pagtugon sa mga hamong pandaigdig; pangangalaga ng pagkakapantay at katarungan; at pagpapalalim ng partnership.
salin:le