Idinaos kamakalawa, Sabado, ika-10 ng Hunyo 2017, sa Kunming, Tsina, ang porum ng mga gobernador ng Greater Mekong Sugregion (GMS) Economic Corridor. Kalahok sa porum ang mga opisyal sa antas ng lalawigan mula sa 6 na bansa sa GMS na kinabibilangan ng Tsina, Kambodya, Biyetnam, Laos, Myanmar, at Thailand.
Positibo ang mga kalahok sa mga bungang natamo ng iba't ibang bansa sapul nang iharap ang Belt and Road Initiative, sa mga aspekto ng infrastructure connectivity, pagpapalagayan ng mga mamamayan, paggagalugad ng mga yaman at enerhiya, pagtatatag ng mga sonang pangkooperasyon sa kabuhayan at kalakalan, magkakasamang pagsasagawa ng pananaliksik na panteknolohiya, at iba pa.
Ipinalalagay din nilang dapat ibayo pang samantalahin ng iba't ibang bansa ang mga pagkakataong dulot ng Belt and Road Initiative, para palakasin ang kanilang kooperasyon.
Salin: Liu Kai