Binuksan Disyembre 1, 2016 sa Chiang Rai, Thailand ang 21st Ministers' Meeting on Economic Cooperation ng Greater Mekong Subregion (GMS).
Dumalo sa pagtitipon ang mga ministro ng GMS countries, at mga kinatawan mula sa Asian Development Bank at organisasyong pandaigdig.
Ang tema ng nasabing pulong ay: Pagpapasulong ng Inklusibong Pag-unlad ng GMS. Pinagtibay sa pulong ang mid-term report hinggil sa isinagawang plano ng balangkas ng pamumuhunang panrehiyon, at tinalakay din ang pinahigpit na mekanismo ng GMS, sa susunod na limang taon.
Sa kanyang talumpati sa pulong, ipinahayag ni Ginoong Dai Baihua, Asistenteng Ministro ng Pananalapi ng Tsina ang pagpapahalaga sa natamong progreso sa kooperayong pangkabuhayan ng GMS. Iniharap din niya ang mga mungkahing kinabibilangan ng ugnayan sa pagitan ng mekanismo ng GMS at "Belt and Road Initiative" na itinataguyod ng Tsina, at iba pa.