|
||||||||
|
||
Bilang tugon sa panghihimasok kamakailan ng panig pulisya sa pagtitipun-tipon ng mahigit 50 dating mambabatas sa isang otel ng Bangkok, ipinahayag Lunes, Hunyo 12, 2017, ni Thailand Deputy Prime Minister Prawit Wongsuwan na hanggang sa ngayon, hindi pa inaalis ng gobyerno ang limitasyon sa political rally. Kaya, hindi puwedeng isagawa ang ganitong pagtitipun-tipong may kaugnayan sa politika, aniya.
Sinabi pa niya na sa halip magtipon ang mga politiko para pag-usapan ang situwasyong pulitikal, mas maganda na sagutin sa pamamagitan ng lehitimong paraan, ang apat na tanong na naunang iniharap ni PM Prayut Chan-o-cha.
Noong isang buwan, inilabas ni Prayut Chan-o-cha ang apat na tanong sa lahat ng mamamayan ng bansa sa pamamagitan ng telebisyon. Ang mga ito ay una: maisasagawa ba ng halalan ang mainam na administrasyon? Ikalawa: kung hindi, ano ang dapat gawin? Ikatlo: tama ba o mali ang pagbibigay ng lahat ng pansin sa halalan lamang at hindi ikokonsidera ang kinabukasan ng bansa at iba pang problema? Ikaapat: dapat bang bigyan ng oportunidad ang mga politikong minsa'y nagkaroon ng "inappropriate behavior?"
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |