Nakipagtagpo kahapon, Hunyo 12, si Meng Jianzhu, Secretary ng Political at Judiciary Commission, sa ilalim ng Central Committee ng Partido Komunista ng Tsina, kay Weerapon Thongsuwan, Chief Justice ng Thailand.
Sinabi ni Meng, na ang Tsina at Thailand ay mapagkaibigang kapitbansa. Nitong ilang taong nakalipas, kapansin-pansin aniya ang bungang natamo ng magkabilang panig sa iba't ibang aspekto. At sa hinaharap, umaasa aniya siyang mapapalalim ang pagpapalitan ng katas-taasang hukuman ng dalawang bansa, matututo sa isa't isa at walang humpay na mapapahigpit ang pagtutulungang hudisyal.
Ipinahayag naman ni Weerapon Thongsuwan na nakahanda ang kanyang bansa na pasulungin ang pagpapalitan at pagtutulungan sa larangan ng katarungan sa pagitan ng mga organong hudisyal ng Thailand at Tsina.