Sa kanyang paglahok sa Ika-8 Pulong Ministeryal ng Malinis na Enerhiya na idinaos kamakailan dito sa Beijing, ipinahayag ni Ignasius Jonan, Ministro ng Enerhiya at Yamang Mineral ng Indonesiya na eenkorahehin ng kanyang bansa ang mga kompanyang Tsino na mamuhunan sa industriya ng langis at natural gas.
Sinabi ni Ignasius Jonan, na kumpara sa mga kompanya ng Amerika at Hapon, kakaunti ang mga kompanyang Tsino na namuhunan sa industriya ng enerhiya ng Indonesiya, kaya, umaasa ang pamahalaang Indones na mapapalakas ng panig Tsino ang puhunan. Samantala, ipinahayag pa ni Ignasius Jonan na pantay-pantay ang Indonesiya sa lahat ng kompanyang dayuhan at hindi magbibigay ng privilege sa alimang bansa.