Isang selebrasyon ang idinaos noong Mayo 19, 2017 sa Surabaya, Indonesya, bilang pagdiriwang sa ika-6 na anibersaryo ng pagkakatatag ng Confucius Institute ng Surabaya University at kauna-unahang Araw na Pangkultura ng Tsina at Indonesya. Dumalo sa pagtitipon ang 300 kinatawan mula sa ibat-ibang sektor ng dalawang bansa.
Sa seremonya ng pagbubukas, ipinahayag ni Djodjok Seoparadjo, Presidente ng Confucius Institute ng Surabaya University na ang kanyang instituto ay hindi lamang magsisilbing tulay sa pagpapasulong ng pagtutulungan ng Tsina at Indonesya, kundi palalakasin din nito ang pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.