Bilang ika-22 tanggapang panturismo ng Tsina sa ibayong dagat, idinaos kahapon, Hunyo 14, 2017 ang opisyal na pagbubukas ng Tanggapang Panturismo ng Tsina sa Bangkok, Thailand. Dumalo sa patitipon ang mga kinatawan mula sa iba't ibang sektor ng Tsina at Thailand.
Ipinahayag ni Wang Xiaofeng, Pangalawang Direktor ng Kawanihang Panturista ng Estado ng Tsina, na ang pagtatatayo ng nasabing organo ay hingi lamang bunga ng pangmatagalang pagpapalitan at pagtutulungang panturismo at pagnkultura ng Tsina at Thailand, knudi maging resultang natamo sa pagpapalalim ng konstruksyon ng Belt and Road Initiative.
Ipinahaayg naman ni Chavanee Tongroach, Ministro ng Tursimo at Palakasan ng Thailand na ito ay makakatulong sa ibayong pinapasulong na pagpapalitan at pinapataas na kalidad ng dalawang panig sa larangang panturismo.