Isinapubliko kagabi, Hunyo 14, 2017 ng Konsulado Heneral ng Tsina sa Songkhla, Thailand ang kautusang panseguridad sa mga turistang Tsino sa Thailand.
Winika ito ng Konsuladang Tsino bilang tugon sa ilang sakunang panseguriad ang naganap kamakailan sa Thailand, habang lumalangoy ang mga turistang Tsino sa forbidden areas sa dagat.
Sa kasalukuyan, ang mga lugar sa katimugan ng Thailand ang pinakamainit na destinasyon ng mga turistang Tsino, na gaya ng Phuket, Krabi at Samui.
Ayon sa ulat, mula noong Enero hanggang Mayo ng kasalukuyang taon, 30 turistang Tsino ang sinawing-palad dahil sa paglalangoy sa dagat.