Sinimulang isagawa Miyerkules, June 21, 2017 ang isang proyekto ng pag-iipon ng mga historical data ng Tsina hinggil sa siyentipikong ekspedisyon sa South China Sea (SCS).
Ang naturang proyekto ay pinamumunuan ng South China Sea Institute of Oceanology ng Chinese Academy of Sciences.
Sinabi ni Long Lijuan, Pangalawang Puno ng South China Sea Institute of Oceanology, na ang proyektong ito ay mag-iipon ng mga data mula noong 1950s hanggang sa kasalukuyan para komprehensibong malaman ang impormasyon ng SCS hinggil sa yaman, at kapaligiran.