|
||||||||
|
||
Beijing — Ipinahayag Hunyo 21, 2017, ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa patnubay ng diwa ng komprehensibo at mabisang pagsasakatuparan ng "Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC)," aktibong isinusulong ng Tsina at iba't-ibang bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), ang pag-usap hinggil sa pagkakaroon ng "Code of Conduct in the South China Sea (COC)," at pragmatikong kooperasyon sa dagat. Natamo aniya nito ang kapansin-pansing bunga.
Ayon sa ulat, ipinahayag kamakailan ng Pilipinas na ang pagtatatag ng diplomatic senior officials' hotline sa pagitan ng Tsina at mga bansang ASEAN, ay nakakatulong sa pagpapabuti ng relasyon ng dalawang panig. Bukod dito, ipinahayag din nito na isusumite ang balangkas ng COC sa gaganaping Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Tsina at ASEAN sa darating na Agosto para sa pagsusuri.
Kaugnay nito, sinabi ni Geng na positibong pinapurihan ng Tsina ang kaukulang posisyon ng panig Pilipino. Aniya, sa magkakasamang pagsisikap ng Tsina at mga bansang ASEAN, patuloy na humuhupa ang situwasyon ng South China Sea, at nakikita na ang tunguhin ng positibong pag-unlad. Nakahanda ang Tsina na patuloy na magsikap kasama ng iba't-ibang bansang ASEAN upang magkakasamang isulong ang kapayapaan, katatagan, kasaganaan, at kaunlaran sa nasabing karagatan, dagdag pa niya.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |