Idinaos Biyernes, Hunyo 23, 2017 sa Tianjin ng Tsina ang ika-3 Pulong ng mga Ministro ng Kapaligiran ng BRICS (Brazil, Russia, India, China, at South Africa).
Tinalakay sa pulong na ito ang mga isyu na gaya ng pandaigdigang kapaligiran, at mga aktuwal na kooperasyon ng BRICS sa kapaligiran.
Sa pulong na ito, sinabi ni Li Ganjie, Secretary ng Leading Party Member's Group ng Ministri ng Kapaligiran ng Tsina, na isinasagawa ng pamahalaang Tsino ang mahigpit na sistema ng pangangalaga sa kapaligiran para buong sikap na pabutihin ang kalidad ng kapaligiran.
Sinabi pa ni Li na dapat pahigpitin ng mga bansang BRICS ang mga kooperasyon at pagpapalitan ng karanasan hinggil sa pangangalaga sa kapaligiran para magkasamang harapin ang mga hamon sa ekolohikal na kapaligiran sa buong daigdig.