Ipinahayag Biyernes, Hunyo 23, 2017 ng panig pulisya ng London na ang sunog na naganap sa Grenfell tower noong ika-14 ng buwang ito ay nagmula sa sunog ng isang fridge-freezer sa isang bahay sa ika-4 na palapag ng nasabing gusali.
Ayon sa imbestigasyon, ang pagkasunog ng fridge-freezer ay hindi isinagawa ng mga tao.
Ayon pa rin sa panig pulisya, ang materiyal ng pader sa labas ng nasabing gusali ay hindi nakapasa sa pagsubok ng fire protection. Ito ay itinuring na pangunahing dahilan ng mabilis na pagkalat ng sunog.
Sa kasalukuyan, 79 katao ang nasawi sa nasabing insidente.