Ayon sa departamentong pangkomunikasyon ng lunsod Chongqing ng Tsina, sa malapit na hinaharap, magdaragdag ng dalawa pang truck shuttle ang lunsod sa gitna at kanlurang linya upang makaabot sa Bangkok, Thailand at Yangon, Myanmar ang Chongqing-ASEAN International Logistics Channel.
Ang nasabing tsanel ay isang international freight corridor na nag-uugnay sa katimugan ng Chongqing at Maritime Silk Road. Layon nitong itatag ang road freight corridor sa pagitan ng Chongqing at iba't-ibang bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Salin: Li Feng