Sa kanyang paglahok sa seremonya ng pagpipinid ng unang United Nations Ocean Conference na idinaos kamakalawa, Biyenes, ika-9 ng Hunyo 2017, sa New York, nanawagan si Patrick Chi Ping Ho, Pirmihang Pangalawang Tagapangulo ng China Energy Fund Committee, think tank na nakabase sa Hong Kong, Tsina, sa iba't ibang bansa, na sa pamamagitan ng 21st Century Maritime Silk Road, buuin ang plataporma ng pandaigdig na kooperasyong pandagat.
Sinabi ni Ho, na sa pamamagitan ng 21st Century Maritime Silk Road, maaaring isagawa ng mga developed countries at island countries ang kooperasyon, para palakasin ang konektibidad sa mga aspekto ng imprastruktura, teknolohiya, pondo, impormasyon, serbisyo, produkto, at iba pa. Ito aniya ay makakatulong sa pagpapalakas ng puwersang pangkabuhayan ng mga island countries, at makatwirang paggagalugad ng mga yaman at enerhiya ng dagat.
Salin: Liu Kai