Binuksan kahapon, Sabado, ika-3 ng Hunyo 2017, sa Xi'an, lunsod sa hilagang kanluran ng Tsina, ang 2017 Silk Road International Exposition, at Silk Road Economic Belt International Cooperation Forum.
Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas, ipinahayag ni Pangalawang Premyer Wang Yang ng Tsina, ang kahandaan ng kanyang bansa, na ipatupad, kasama ng mga may kinalamang bansa, ang mga komong palagay at bungang natamo sa Belt and Road International Cooperation Forum na idinaos noong nagdaang Mayo sa Beijing. Ito aniya ay para pasulungin ang kooperasyon ng iba't ibang bansa sa kabuhayan, kalakalan, at pamumuhunan, at ihatid ang mas maraming benepisyo sa kani-kanilang mga mamamayan.
Iniharap din ni Wang ang mga konkretong mungkahi para sa kooperasyon ng iba't ibang bansa, sa mga aspekto ng pagbubukas ng pamilihan, infrastructure at cyber connectivity, pagpapalawak ng pamumuhunan sa isa't isa, pagpapasimple ng mga prosidyur na panturista, at iba pa.
Salin: Liu Kai